Posts filed under ‘Uncategorized’

Paano iiwasan agad ang pagka-ulianin

SAPOL Ni Jarius Bondoc (Pilipino Star Ngayon) Updated May 07, 2010

NAGSISIMULA tayo mag-alala sa pagka-ulianin kapag retirado na. Pero payo ng mga doktor, simulan alagaan ang utak sa edad-30 o 40 pa lang:

1. Sumapi agad sa mga samahan ng volunteers, para masanay na.

2. Mag-hobby: Pagkumpuni ng gamit, crossword puzzle, atbp.

3. Magsanay magsulat sa kabilang kamay — pang-exercise ng kabilang bahagi ng utak.

4. Mag-aral magsayaw; 76% ng mga malimit mag-ballroom dancing ay hindi nagiging ulianin.

5. Gawing hobby ang gardening, pambawas ng stress.

6. Bumili ng pedometer at sikapin maka-10,000 hakbang araw-araw. Kung masigla ang puso, normal ang pagdaloy ng dugo sa utak.

7. Magbasa at magsulat araw-araw — panggising ng utak.

8. Mag-gantsilyo. Kapag ginagamit ang dalawang kamay, gumagana ang magkabilang bahagi ng utak.

9. Mag-aral ng bagong wika — pampatalas ng IQ.

10. Maglaro ng board games, Monopoly, Scrabble, na nagpapaisip.

11. Huwag huminto sa pag-i-iskuwela. Nagbubunsod ng structural at chemical reaction sa utak ang pag-aaral.

12. Makinig sa classical music, pag-iisip sa ibang kultura’t panahon.

13. Mag-aral tumugtog ng instrumento, pampatalas sa utak at tenga.

14. Magbiyahe: Malapit man o malayo, napipilitan ang utak makibagay sa bagong sitwasyon at tanawin.

15. Magdasal. Nakakatatag ito ng immune system.

16. Mag-meditate. Pang-alis ng stress.

17. Matulog nang sapat. Nakaka-pahinga ang tuloy-tuloy na tulog.

18. Kumain ng may Omega-3 fatty acids: isda, walnuts.

19. Mag-gulay, mag-prutas. Pangkontra ang antioxodants nito sa free radicals na sumisira sa brain cells.

20. Minsan kada araw, sumabay sa pamilya sa pagkain. Pang-relax.

Advertisements

May 7, 2010 at 12:26 am Leave a comment


Categories

June 2018
M T W T F S S
« Sep    
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
252627282930  

Blog Stats

  • 25,186 hits since April 1, 2009

Archives