Archive for May 19, 2009

GMA walang balak bumitaw sa poder

SAPOL Ni Jarius Bondoc Pilipino Star Ngayon, May 19, 2009

Palinaw nang palinaw ang balakin ng pamilyang Arroyo. Hindi bibitaw sa poder si Gloria Macapagal Arroyo sa 2010. Gagawa sila ng paraan para baguhin ang presidential form tungo sa parliamentary. Iluluklok si GMA bilang prime minister. Tapos, gagawan ng paraan para manatili rin sa lehislatura ang dalawang kongresistang anak, bayaw at hipag.

Ano ang motibo nila para manatili sa kapangyarihan? Walang iba kundi ang kambal na interes: una, gamitin ang poder para maiwasan o mapabagal ang mga kasong pandarambong at pagyurak sa karapatang pantao nu’ng pagka-presidente ni GMA. Ikalawa, gagamitin din ang poder para mapalawak ang kontrol nila sa mga kompanya sa industriya ng energy, telecoms, at mining.

Nasisilip ang mga baraha nila. Itinutulak ni Rep. Luis Villafuerte, hepe ng Kampi party ni GMA, ang Charter change, pero hindi kasali ang tigas-ulong Senado. Nasa tabi niya sina Cong. Mikey at Iggy Arroyo, anak ay bayaw ni GMA. Nais nila mag-parliamentary agad para sa halalang 2010. Samantala, binibiyak sa dalawa ang maliit na Camarines Sur district ni Cong. Dato Arroyo, isa pang anak. Balak na kasi ni loyalistang Budget Sec. Rolando Andaya Jr. bumalik sa Kongreso kaya binabawi kay Dato ang dati niyang distrito. Gagawan nila ng paraan na mahati nila ‘yun. Tahimik namang nangangampanya si GMA sa Pampanga district ni Mikey. Panay ang bisita niya roon para mag-medical mission at mamigay ng pagkain at PhilHealth member cards — bagay na hindi naman niya ginagawa dati. Kamala-mala mo, baka paghatian din nila ni Mikey ang distrito. Na­iluklok na rin nila ang mga pabo­ritong heneral sa maseselang puwesto.

Nagmomoro-moro pa ang Palasyo sa isyu ng pagpapa­lawig ng termino ni GMA. Nu’ng Huwebes, sinabi ni Presidential Spokeswoman Lorelie Fajardo na imposible nang mag-Constitutional convention sa Agosto, tulad ng balak ng kaalyadong Speaker Nograles. Pero sa pa­re­hong panayam, sumagot siya ng “Bakit hindi?”, sa tanong ng media kung balak nga ba ni GMA magkatitulong Prime Mi­nister. Halatang hayok sa poder!

Advertisements

May 19, 2009 at 1:38 am Leave a comment


Categories

May 2009
M T W T F S S
« Apr   Jun »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031

Blog Stats

  • 25,186 hits since April 1, 2009

Archives