Tiwala sa doktor, hindi sa pastor

August 28, 2009

SAPOL Ni Jarius Bondoc (Pilipino Star Ngayon) Updated August 28, 2009

PAKONTI nang pakonti ang nagpapastor. Anang Society of Divine Word-Philippines, masuwerte na silang maka-walong bagong pari taun-taon, di tulad noon na mahigit 25 kada batch. Maraming nagmiministro ngayon sa Vietnam, Indonesia at India kaysa Pilipinas; ganun­paman kulang pa rin sa bilis ng paglaki ng populasyon nila. Masaklap pa, dahil mas materyalistiko ang mundo, nag-iiba rin ang trato ng madla sa mga ministro. Halim­bawa itong mula sa Internet na pagkumpara sa pagtingin sa doktor at sa pastor:

l Kapag pinaghubad ka ng doktor, sumusunod kang walang angal. Kapag nagpayo ang pastor na maging disente sa pananamit, umaangal kang nagiging mas­yado siyang personal.

l Mahal ang singil ng doktor, pero balik ka nang balik sa kanya. Kapag humingi ng dagdag na abuloy ang pari, lumalayas ka sa simbahan.

l Kapag tinanong ka ng doktor kung gaano kalimit dumumi, malaya ninyo ito pinag-uusapan. Kapag tinanong ka ng ministro kung gaano kalimit magdasal, gusto mong sabihang wala siyang pakialam.

l Kapag niresetahan ka ng doktor ng mapaklang gamot, masunurin mong iniinom. Kapag pinatitikim sa iyo ng pastor ang Salita (ng Diyos), ayaw mong makinig.

l Pinagsasabihan ka ng doktor na baguhin ang pamumuhay para bumaba ang blood pressure mo. Kapag magpayo ang pastor na magbagumbuhay ka na, naaalta-presyon ka.

l Kapag inutos ng doktor ang maraming lab tests, gina­gawa mo agad. Kapag pinayo ng pastor na limitan ang prayer meetings at pag-aaral ng Bibliya, mas­yado kang maraming gina­gawa.

Kapag nagsabi ang doktor na wala ka nang pag-asa, kung saan-saan ka pa nagha­hanap ng lunas. Kapag sinabi ng pastor na “Tutu­lungan ka ng Diyos,” sina­sagot mo na wala ka nang pag-asa.

* * *

Lumiham sa jariusbondoc@workmail.com

Entry Filed under: SAPOL ni Jarius Bondoc. Tags: , , .

Leave a Comment

Required

Required, hidden

Some HTML allowed:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <pre> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Jarius Bondoc

Recent Posts

 

August 2009
M T W T F S S
« Jul   Sep »
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31  

Recent Comments

elvie on Experts can’t agree on a…
rod on ‘Lodging’, ‘…
Joel G on Tula na akma pa rin ngayo…
Vikky on Rushing to award secret dam…
zippo on Comelec must ascertain bidder…

Blog Stats

Archives